1 taong Martial Law extension,  sa Mindanao lang – AFP Chief Galvez

Sa Mindanao lang ang inirekomendang isang taong pagpapalwig ng martial law, at hindi palalawigin sa buong bansa.

Ito ang nilinaw ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Carlito Galvez, kasabay ng pagsabi na ang naturang rekomendasyon ng militar ay isusumite na kay Defense Secretary Delfin Lorenzana para pormal na iprisinta sa Pangulo.

Ayon kay Galvez, ang kanilang rekomendasyon ay base narin sa kagustuhan ng mga stakeholder tulad ng mga Local Government Unit (LGU), Regional Peace and Order Councils, at maging ng Commission on Elections (COMELEC), na palawigin pa ang martial law sa Mindanao ng isang taon.

Paliwanag ni Galvez, ito ay para lubusang masugpo ang terorismo sa rehiyon dahil meron parin nagaganap na terrorist attacks, tulad ng mga nakalipas na pambobomba sa Basilan, Isulan, Gensan, at Maguindanao.

Dagdag ni Galvez, na mahina kasi ang “Anti-Terrorism Law” sa Pilipinas kaya kailangan ng martial law para epektibong malabanan ang terorismo. | ulat ni Leo Sarne