1 milyong doses ng Sinovac na dumating nitong nagdaang linggo, kailangan pang dumaan sa certificate of analysis

Kailangan pa munang dumaan sa kailangang proseso ang bakuna ng Sinovac na dumating nitong nagdaang linggo bago magamit sa vaccination program ng gobyerno.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, bahagi ng proseso ang pagkakaroon muna ng certificate of analysis na siyang requirement bago magamit ang mga bakuna.

Mabilis lang naman ani Roque ang nasabing proseso na karaniwan ay ilang araw lang ang itinatagal.

Paliwanag naman ni Department of Health Secretary Francisco Duque na may allocation plan na sila sa pagdating ng mga bakuna.

Ibababa na aniya ito sa mga pamahalaang lokal at magagamit lamang ang mga bakuna sa sandaling lumabas na ang certificate of analysis.

Sa ganitong paraan aniya’y mas napapaikli ang sistema sa distribusyon.