1 kagawad at 3 iba pa, nasakote ng pulisya at TF Davao sa checkpoint

Arestado ng Task Force Davao (TFD) at tauhan ng Calinan Police Station ang isang kagawad at tatlo pang kasamahan nito sa isang TF Davao Security Control Point sa Barangay Lacson, Calinan, Davao City.

Ayon kay Davao City Police Office (DCPO) Director Police Sr. Supt Alexander Tagum, ang isang unit ng Ford Ranger pick up na kulay orange ang kanilang pinahinto sa check point kung saan nakasakay ang apat na personalidad.

Kinilala ng awtoridad ang apat na sila Analiza Jalapon Arquillano, barangay kagawad ng Magpet, North Cotabato; George Mahinay Arquillano isang negosyante; Reynan Lover Adame Arnel Repollo, Driver; at Renier Pedroso, SCAA/escort sa magkaparehong lugar.

Narekober sa mga ito ang ilang kontrabando, dalawang unit ng hand grenade, isang unit ng 45 caliber pistol with 73 lives ammunition at limang magazine; isang unit ng 9mm pistol with 64 live ammunition at dalawang magazine; at isang unit ng caliber 30 M2 Carbine with 99 live ammunitions, at limang short magazine at isang long magazine. | ulat ni Dang Sabdani Jumala – Radyo Pilipinas Davao