₱17.70B, hinihinging pondo ng DTI para sa susunod na taon

Limang oras na sumalang sa budget hearing ang Department of Trade Industry (DTI) para sa hinihingi nilang ₱17.70 billion na budget para sa susunod na taon.

Ang halagang ito ay ilalaan sa iba’t ibang attached agencies sa ilalim ng DTI, tulad ng Cooperative Development Authority (CDA) na may ₱566.1M at Board of Investments (BOI) na paglalaanan ng ₱370.8 million.

Pinakamalaking bahagi naman ng DTI budget ay ilalaan sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na mayroong ₱11.8 million.

House of Representatives | 18th Congress | Committee Deliberations on the 2020 General Appropriations Act – Department of Trade and Industry

Posted by House of Representatives of the Philippines on Thursday, August 22, 2019

TESDA rin ang may pinakamalaking budget allotment sa ilalim ng operations program ng DTI sa halagang ₱11.3 million.

₱1.3M naman ang nakalaan para sa MSME Development Program at ₱431M naman para sa Consumer Protection Program.

Ang office of the secretary ay makakakuha ng ₱4.6M o 26% ng kabuuang proposed budget.

Ilan naman sa mga priority project at program ng ahensya na bahagi ng hinihinging budget, ay ang Philippine Quality Award Program, Regional Competetiveness Program, pagdaragdag ng Negosyo Centers at pagpapaigting ng Mentor Me Program.