₱118,000 halaga ng shabu nasabat sa buy-bust sa Malabon; 2 tulak, arestado

Timbog ang dalawang tulak ng iligal na droga sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Malabon City Police sa Dr. Lascano corner P. Concepcion, Brgy. Tugatog, Malabon City kaninang umaga.

Kinilala ang mga nahuling suspek na sina Jovito Co, 30-taong gulang, at Jonas Marabe, 23-taong gulang. Parehong nagtatrabaho bilang construction worker ang dalawa at residente ng Brgy. 36 sa Caloocan City.

Narekober mula sa mga suspek ang ginamit na buy-bust money at 14 na sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 17.43 gramo at nagkakahalaga ng ₱118,524 pesos.

Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.